Manila, Philippines – Sinampahan ng grupo ni dating Cong. Jacinto Paras ng kasong inciting to sedition, proposal to commit coup d’ etat, at graft si Senador Antonio Trillanes.
Isinampa ang naturang mga kaso sa Pasay City Prosecutor’s Office.
May kauganay ito sa anila ay “seditious words” ni Trillanes nang magsagawa ito ng privilege speech hinggil sa kanyang alegasyon na may mga tagong bank accounts ang Pangulong Duterte.
Ginamit din na ebidensya sa kaso ang speech ni Trillanes sa isang rally sa UP Diliman noong October14, 2017 kung saan nanghihikayat ito ng petition-signing para daw makita na buong bansa ang nagde-demand ng transparency at accountability sa Duterte government.
Inulit din anila ni Trillanes ang panawagang signature campaign laban sa pangulo sa isang radio interview noong October 15, 2017 bukod sa panghihikayat daw nito sa mga sundalo na patayin ang Pangulong Duterte.
Kabilang din sa grounds sa kaso laban kay Trillanes ang ibinunyag ng isang General Kakilala hinggil sa panghihikayat sa mga sundalo ng isang prominenteng pulitiko para sa paglulunsad ng coup d’ etat.
Bukod kay Paras, kabilang din sa complainants sa kaso sina Atty. Eligio Mallari, Atty Glenn Chong, Atty. Nestor Ifurung, Atty. Eduardo Bringas, Atty. Nasser Marohomsalic at Louis Biraogo.
Bukod kay Trillanes, ilang John Does at Jane Does din ang kasama sa mga kinasuhan.