Kasong isasampa ng grupo ng mga abogado, gagamitin ni Trillanes para patunayan ang ill-gotten wealth ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Welcome kay Senator Antonio Trillanes IV ang kasong inciting sedition at rebellion na planong isampa sa kanya ng grupo ng mga abogado.

Pahayag ng mga abagdo na kinabibilangan ni dating Negros Oriental Representative Jing Paras, ugat ng kaso ang privilege speech ni Trillanes kung saan hinikayat umano nito ang mga sundalo na barilin si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Trillanes, bagamat walang katotohanan o basehan ang kaso ay magagamit niya itong legal defense para patunayan ang umano’y ill-gotten wealth ni Pangulong Duterte.


Sabi ni Trillanes, hihilingin niya sa korte na i-subpoena ang mga bank documents ng Pangulo na magpapakita ng hindi maipaliwanag na deposito nito sa bangko na umaabot sa bilyong piso ang halaga.

Trillanes:

No matter how absurd these cases may seem, I actually welcome them because, as part of my legal defense, I would be able to prove my claim on Duterte’s ill-gotten wealth. Specifically, I would be able to ask the court to subpoena his bank documents as an exemption to the Bank Secrecy Law.

Facebook Comments