Labi ng aktres na si Isabel Granada, binigyan ng military honor

nManila, Philippines – Binigyan ng military honor ng Philippine Air Force ang nasawing aktres na si Isabel Granada pagdating ng labi nito kanina sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Philippine Air Force Chief Major Aristides Galang ang pagbibigay ng military honor sa nasawing aktres ay dahil sa pagiging reservist nito ng Philippine Airforce.

Si Granada ay na-recruit ng Philippine Airforce noong 2001 sa pamamagitan ng Direct Enlistment Program.


Naitalaga si Granada sa Air Force Special Service Group at binigyan ng Air Force Specialty Code skill in recreation.

Mula sa ranggong Airwoman, na-promote ito sa Airwoman Second Class.

Bilang pagpapakita pa ng respesto at pagkilala sa mga nagawa ng nasawing aktres sa Phillipine Airforce bibigyan din nila ito ng funeral honor and service.

Facebook Comments