Manila, Philippines – Ibinasura ng korte ng Silang-Amadeo ang kasong reckless imprudence resulting to homicide na isinampa laban kay Richard Gutierrez.
Ito ay kaugnay sa pagkamatay ng dating personal assistant ni Richard na si Nomar Pardo nang maaksidente ang sports car na minamaneho ng aktor noong May 22, 2009 sa Silang, Cavite.
Base sa siyam na pahinang desisyon na pinirmahan ni Judge Maria Luwalhati Cruz mula sa Silang-Amadeo Trial Court, walang sapat na ebidensiya o testigo na magsasabi kung ano ang tunay na nangyari ng gabing iyon.
Ayon sa isinampang reklamo laban sa kanya, nag-overspeeding umano ang aktor ng gabing iyon bago bumangga sa isang poste dahilan para tumilapon si Nomar mula sa pagkakaupo sa likuran ng kotse.
Sa mga pahayag ng mga Gutierrez sa iba’t ibang programa sa telebisyon, pinabulaanan nila na nag-overspeeding si Richard kaya nangyari ang aksidente.
Matatandaang unang ibinasura ng Department of Justice ang kaso noong 2010 pero patuloy itong inilaban ng biyuda ni Nomar na si Lorayne Pardo sa iba’t ibang hukuman.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558