Kasong kriminal laban kay dating PNoy, nakatakdang dinggin ngayong araw

Manila, Philippines – Magsasagawa ngayong araw ng pagdinig ang Sandiganbayan Fourth Division hinggil sa mosyon ni Ombudsman Samuel Martires na i-dismiss ang kasong usurpation at graft laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino.=

Kaugnay ito ng Mamasapano encounters sa Maguindanao noong January 2015 na ikinamatay ng 44 Special Action Force (SAF).

Ayon kay Martires, ang pag-dismiss sa kaso ni Aquino ay dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya batay sa ginawang review ng Ombudsman sa resolusyon noong June 2017 at September 2017.


Matatandaang una nang sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide sina Aquino, dating Philippine National Police Chief Police General Allan Purisima at SAF Chief Police Major General Getulio Napeñas.

Sa ngayon patuloy pa ring inaalam ng korte kung ano ang kanilang magiging hakbang sa inihaing resolusyon ni Martires ng hindi nalalabag ang Temporary Restraining Order (TRO) na ibinaba ng mataas na kapulungan para sa kaso.

Facebook Comments