Pagbabalik sa Gilas ni Andray Blatche, maaantala

Made-delay ang pagbabalik ni Andray Blatche sa Gilas Pilipinas para sa 2019 FIBA World Cup dahil sa custody hearing ng kanyang anak sa Amerika.

Ayon kay Gilas Pilipinas Head Coach Yeng Guiao, inaasahang makakarating si Blatche sa July 12 o 13 imbes na sa July 8.

Matatandaang nawala si Andray sa koponan dahil sa tatlong larong suspensyon matapos ang gulo sa pagitan ng Pilipinas at Australia noong July 2018.


Si Blatche ang inaasahang kukumpleto sa final roster ng Gilas na papangalanan ni Guiao sa Lunes para sumabak sa FIBA World Cup.

Samantala, muling magpapatuloy bukas ang DZXL Radyo Trabaho Basketball Tournament.

Maghaharap para sa first game ang DZXL RT Xanthone Plus Team at Lunas Kalusugan sa ganap na alas-2 ng hapon sa Guadalupe Nuevo Gym sa Barangay Guadalupe Nuevo, Makati City.

Susundan naman ito ng Gentle Hands Holistic Wellness Center kontra RMN Head Office.

Facebook Comments