Kasong libelo laban sa media na isinampa ni Secretary Cusi, dapat umanong mabasura

Binatikos ni Senator Leila de Lima ang libel at cyberlibel charges na inihain ni Energy Secretary Alfonso Cusi laban sa ilang media outlets na nag-report ukol sa kontrobersyal na pagbenta ng 45 percent share ng Chevron sa Malampaya project.

Giit ni De Lima, dapat mabasura ang nabanggit na kaso laban sa media dahil walang basehan, walang saysay at lilitaw na paglabag sa konstitusyon.

Diin ni De Lima, wala namang kasinungalingan sa naging report ng media dahil nakabase yun sa impormasyon mula sa complainants mismo.


Malinaw para kay De Lima na ang intensyon lamang ng kaso ay pigilan ang media companies natin na mag-ulat ng anumang negatibo tungkol sa kaniya.

Ikinumpara ni De Lima ang kaso sa tinatawag na Strategic Lawsuits Against Public Participation o SLAPPs kung saan ang layunin ng kaso ay hindi para maipanalo kung hindi para manggipit, patahimikin at pigilan ang mga kritisismo at oposisyon.

Facebook Comments