Dumating na sa bansa si Jennifer Dalquez makaraang makulong ng halos 4 na taon sa Abu Dhabi prison.
Si Dalquez ay matatandaang hinatulang guilty at sinentensyahan ng parusang kamatayan ng Abu Dhabi court makaraan nyang mapatay ang kanyang employer na nagtangkang gumahasa sa kanya noong 2014.
Umiiyak nang lumapag sa NAIA Terminal 1 si Dalquez at taos pusong nagpapasalamat sa pamahalaan sa tulong na ibinigay sa kanya na nagresulta sa pagpapawalang sala sa kanya at dahilan upang siya ay makabalik ng bansa at makasamang muli ang kanyang pamilya.
Sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola na pinagkalooban ng financial assistance ng gobyerno si Dalquez para sa kanyang personal expenses habang sya ay nakapiit at sinagot din ng pamahalaan ang ticket sa eroplano ng mga magulang nito para siya ay bisitahin noong ito ay nakakulong pa at maging ang kanyang airfare pabalik ng Pilipinas ay inako na rin ng DFA.
Makakatanggap si Dalquez ng karagdagang tulong mula sa DSWD, DOLE at OWWA gayundin ng livelihood package para sa kanyang mga magulang at scholarship naman para sa kanyang anak.