SHABU SHIPMENT | Proteksyon kay Jimmy Guban, mananatili

Manila, Philippines – Mananatili sa safehouse si Customs Intelligence Officer Jimmy Guban hanggat hindi natatapos ang kanyang testimonya sa 6.8-billion shabu shipment case.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, hanggat hindi natatapos ang banta sa buhay ni Guban ay tuluy-tuloy ang proteksyon sa kanya ng DOJ.

Tumanggi naman si Guevarra na magbigay ng detalye sa kinalalagyan ngayon ni Guban at ng kanyang pamilya.


Kahapon, mula sa kustodiya ng Senado ay inilipat na sa safehouse si Guban.

Facebook Comments