Kasong ng COVID-19 sa Lungsod ng Muntinlupa, umabot na sa mahigit 5,300

22

Sumampa na sa 5,317 ang kabuuang bilang ngayon ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Muntinlupa.

Mula sa nasabing bilang, 5,090 nito ay mga gumaling na sa nasabing sakit, matapos itong madagdagan ng lima.


Nananatili naman sa 168 ang bilang ng mga nasawi sa lungsod.

Nasa 59 ang active cases ng COVID-19 na patuloy nagpapagaling sa mga quarantine facility ng lungsod.

May pakiusap naman ang pamahalaang lungsod sa mga residente nito na huwag maging kampante, mahigpit na sumunod sa Health Protocols dahil bumababa na ang nagpopositibo sa COVID-19 sa lungsod.

Magdoble ingat dahil bumubukas na ang ekonomiya upang hindi tumaas pa ang kaso ng COVID-19 sa lungsod habang naghihitay ng bakuna laban sa naturang sakit.




Facebook Comments