Kasong pagnanakaw na isinampa ni Kris Aquino vs Nicko Falcis, ibinasura ng piskalya

Photos: Kris Aquino Facebook / Nicko Falcis Instagram

Ibinasura ng Manila Prosecutor’s Office ang reklamong qualified theft o pagnanakaw na inihain ng aktres na si Kris Aquino laban sa dating kasosyo sa trabaho na si Nicko Falcis.

Si Falcis ay dating endorser closer, talent agent, at managing director ng pag-aaring digital company ni Kris—o mas kilala bilang Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP).

Wala umanong sapat na ebidensya ang kampo ni Kris, ayon sa resolusyon na nilagdaan ni Manila Assistant City Prosecutor Geoffrey H. Llarena noong April 10, 2019.


Malinaw umano na walang nangyaring qualified theft dahil nakapangalan kay Falcis ang credit card na inirereklamo ni Kris na pagmamay-ari ng KCAP at ginamit daw nang walang paalam.

Hindi rin daw mairerekomenda ang kasong estafa at credit card fraud dahil walang isinumiteng katibayan ang kampo ni Kris na may ginawang “misappropriation” ng pera si Falcis.

Pebrero ngayong taon nang magkasunod na na-dismiss ang mga isinampang qualified theft ni Kris laban kay Falcis sa Office of the Prosecutor ng Makati at Pasig.

Abril naman nang bawiin ni Kris ang inihain niya sa Mandaluyong at san Juan.

Pending naman sa piskalya sa Taguig ang inirekomendang kasong estafa at credit card fraud laban kay Falcis.

Facebook Comments