Kasong rebelyon laban sa mga pinaniniwalaang miyembro ng Maute na naaresto sa pantalan sa Iloilo, naisampa na

Manila, Philippines – Naihain na sa korte ang kasong rebelyon laban sa tatlong hinihinalang myembro ng grupong Maute na naaresto sa pantalan sa Iloilo City noong Linggo.

Ayon sa Department of Justice, sina Farida Pangompig Romato, Aljadid Pangompig Romato alyas Hadid at Abdulrah an Serad Dimakatuh ay nasampahan ng kasong paglabag sa Article 134 ng Revised Penal Code sa Misamis Oriental Regional Trial Court.

Ito ay makaraang makitaan ng panel of prosecutors ng probable cause ang inihaing reklamo ng mga otoridad nang sila ay isalang sa inquest proceedings kahapon sa Lungsod ng Cagayan de Oro.


Ang tatlo ay sakay ng barko mula Cagayan de Oro patungo ng Maynila nang sila ay madakip ng mga myembro ng Philippine Coast Guard sa Iloilo.

Facebook Comments