Kasong rebelyon laban sa TESDA Provincial Director ng South Cotabato na nasama sa arrest order ng DND, ibinasura ng City Prosecutors Office.

Koronadal City – Ibinasura ng Koronadal City Prosecutors Office ang kasong rebellion na isinampa laban kay Engineer Talib Bayabao TESDA Provincial Director ng South Cotabato.

Sa ipinalabas na resolusyon ng City Prosecutors Office ayon kay Atty. Phinney Araquil, abogado ni Engineer Bayabao, walang probable cause ang kasong rebellion na isinampang South Cotabato Police Provincial Office laban sa kanyang kliyente.

Ngunit maaari pa ring magsampa ng kaparehong kaso ang pulisya kung may matibay na ebidensya ito laban kay Bayabao.


Magugunitang boluntaryong sumuko si Engineer Bayabao kay Police Sr. Supt. Franklin Alvero Police Provincial Director ng South Cotabato matapos masama ang pangalan sa arrest order #2 ng Department of National Defense dahil umano sa kaugnayan nito sa Maute Group.

Agad naming nakalabas ng kulungan ang TESDA director matapos makuha ng tanggapan ni Police Sr. Supt. Alvero ang released order noong Hulyo 3.

Lubos naman ang pasasalamat ni Engineer Bayabao dahil napatunayang walang katotohanan ang mga paratang laban sa kanya.

Facebook Comments