Kasong sedition na isinampa laban sa mga miyembro ng oposisyon, minaliit

Minaliit lamang ni Vice President Leni Robredo ang inihaing sedition case at iba pang kasong kriminal laban sa kanya ng PNP-CIDG.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, tanong ni Robredo kung nagpagamit ba ang PNP-CIDG sa kampo ni Peter Joemel Advincula o alyas “Bikoy.”

Aniya, dapat kinumpirma muna ng PNP-CIDG ang impormasyong ibinigay ni Advincula.


Giit ni Robredo, isang sinungaling na testigo si Advincula.

Maliban kay Robredo, 35 iba pang ang kinasuhan ng police dahil sa pagkakasangkot sa ‘Ang Totoong Narco-list’ videos na layuning pabagsakin ang Duterte administration sa ilalim ng “Project Sodoma.”

Bukod sa sedition, isinampa rin ang kasong cyberlibel, estafa, harbouring a criminal at obstruction of justice laban sa mga akusado.

Facebook Comments