Kastilyong eskwelahan sa Russia – usap-usapan

Kastilyong eskwelahan sa Russia – usap-usapan

Moscow, Russia – Isang real-life fantasy castle sa Moscow, Russia na isa palang eskwelahan para sa preschoolers ang pinipilahan ngayon ng mga magulang para i-enroll ang kanilang mga anak.

Ito ay ang “Castle of Childhood” – ang itinuturing na coolest-looking kindergarten sa buong mundo.


Ayon kay Pavel Grudinin, director ng Castle of Childhood, naisipan niyang magtayo ng ganitong uri ng eskwelahan para gawing mas makulay at masaya ang pag-aaral ng mga bata habang ine-enjoy ang kanilang childhood experience.

Aabot naman sa 463 dollars o katumbas ng higit 23-libong piso ang monthly fee.

At para hindi mabitin ang mala-fairy tale na pag-aaral ng mga bata, nagtayo na rin sila ng “ordinary miracle” na paaralan naman para sa grade schoolers.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments