*Cauayan City- * Nakaalerto parin ang panig ng kasundaluhan upang magbantay at matiyak ang kapayapaan sa pagdiriwang ng kapaskuhan at bagong taon.
Ito ay matapos ang pang haharas ng mga New Peoples Army (NPA) sa detachment ng Cafgu sa Lower Uma, Lubuagan Kalinga kahapon kung saan ay isa ang nasawi habang tatlo ang sugatan.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay Col. Henry Doyaoen, ang OIC ng 503rd Infantry Brigade, ay sinabi nito na ang kanilang ginawang pagsalakay sa detachment ng mga Cafgu ay kahayagan na wala silang pinipiling araw at pagkakataon upang manggulo.
Sinabi pa nito na ang ganitong gawain ng mga NPA ay kahayagan lamang na wala silang sinasanto at wala silang diyos.
Samantala, sa patuloy na pagkilos ng kasundaluhan upang tiyakin ang seguridad ng bayan ay nanawagan si Col. Doyaoen sa mga magulang na bantayan ang mga anak lalo na umano at mga kabataan ang kadalasang nirerecruit ng mga nasa makakaliwang panig.