Kasunduan ng DOLE at ECOP, posible pa ring malagdaan

Manila, Philippines – Mataas pa rin ang posibilidad na mapipirmahan ang kasunduan sa pagitan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Employers’ Confederation of the Philippines (ECOP) kaugnay ng regularization ng nasa 200,000 na manggagawa.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III – ikinukunsidera nilang gawin ang kasunduan bilang isang tripartite Memorandum of Understanding (MOU) kasama ang sektor ng paggawa.

Umaasa si Bello na papabor ang mga labor group sa kanilang revised plan.


Bukas naman ang ECOP hinggil sa tripartite MOU plan.

Tiniyak ng DOLE na ang moratorium sa labor inspection ay hindi isang “absolute waiver” dahil ang ahensya ay maaari pa ring magkasa ng labor inspection kapag nakatanggap ito ng reklamo.

Facebook Comments