KASUNDUAN | Pagpapalakas na kooperasyon ng PNP sa international law enforcement agencies, isinusulong

Isinusulong ngayon ni PNP Chief PDG Oscar Albayalde ang mas malakas na kooperasyon sa pagitan ng PNP at mga international law enforcement agencies sa kanyang pakikilahok sa 87th International Criminal Police Organization (ICPO-Interpol) General Assembly.

Sa kanyang paglahok sa pagtitipon, nakipagpulong ang PNP Chief kay Singapore Police Force Commissioner Hoong Wee Teck at ilan pa sa kanyang mga counter-parts para sa mas malakas na kampanya kontra sa trans-national crime.

Isa ring kasunduan sa pagitan ng PNP at National Crime Agency (NCA) of the United Kingdom of Great Britain and Northern Ireland ang nilagdaan ng PNP Chief at ng kanyang counterpart na si NCA Director General Lynne Gillian Owens.


Ang kasunduan ay magpapalawak ng kooperasyon sa pagitan ng PNP at NCA sa pagpapalitan ng impormasyon kontra sa organized crime.

Ang 87th International Criminal Police Organization (ICPO-Interpol) General Assembly ay isinagawa sa Dubai, United Arab Emirates.

Kasama ng PNP Chief na dumalo sa pagtitipon sina PNP Director for Plans Edwin Roque at PNP director for Investigation and Detective Management Elmo Francisco Sarona.

Facebook Comments