Lumagda sa kasunduan ang Philippine National Police (PNP) at Department of Justice (DOJ) upang maisulong ang professionalism na syang magbibigay ng karagdagang training sa mga pulis.
Ayon kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., sa pamamagitan ng MOA magkakaroon ng P300 na pondo para sa training at education program ng mga pulis.
Mahalaga ani Azurin ang training at education program sa PNP para sa development at formation ng mga pulis lalo pa’t nagbabago ang mga pangangailan sa teknolohiya.
Umaasa aniya sya na sa pamamagitan ng pagsasanay, mas magiging epektibo at maganda ang resulta nito sa crime prevention.
Kasunod nito, nagpapasalamat ang PNP chief sa mga mambabatas dahil sa special provision na ipinagkaloob sa PNP, gayundin sa DOJ na tumulong sa kanila sa pagpaplano para sa karagdagang programa sa hanay ng Pambansang pulisya.