NUMBER 1 MOST WANTED PERSON SA BAYAN NG ALCALA, NAARESTO SA BENGUET

Sa bayan ng Kibungan lalawigan ng Benguet ay nahuli ang Number 1 Most Wanted Person sa bayan ng Alcala.
Ang akusado ay nakilalang si Jobert Ampoon residente ng Brgy. San Juan sa nasabing bayan.
Nahuli ito sa Benguet pasado alas singko ng hapon sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng RTC branch 50 sa bayan ng Villasis.

Nahaharap ang akusado sa tatlong magkakaibang kaso ng statutory rape kung saan ay walang piyansa sa mga kinakaharap nitong kaso.
Naipasakamay naman na ito sa hanay ng Alcala PNP para sa tamang disposisyon. |ifmnews
Facebook Comments