Manila, Philippines – Nakabuo ng kasunduan ang pamahalaanat National Democratic Front of the Philippines patungkol sa libreng landdistribution na magiging gabay sa pagpapatupad ng agrarian reform.
Sa pitong pahinang joint statement, sinabi ng magkabilangpanig na ang nasabing kasunduan at ang interim joint ceasefire agreement angdalawa sa pinakamalalaking achievements ng fourth round ng peace talks sa Netherlands.
Ang nasabing land reform ay bahagi ng ComprehensiveAgreement on Socioeconomic Reforms (CASER), na itinuturing ng NDFP namahalagang usapin dahil isa ito sa mga ugat ng hindi pagkakasundo ng dalawangpanig.
Ang isyu sa territory at taxation ay napagkasunduan namatatalakay at mareresolbahan sa pagbuo nila ng comprehensive agreement onpolitical and constitutional reforms.
Isasagawa ang diskusyon tungkol dito nang may gabay ngframework sa panukalang pagbuo ng Federal Republic of the Philippines.
Nakatakda namang maganap ang susunod na round ng peacetalks sa May 26 hanggang June 2.
Kasunduan para sa libreng land distribution – nabuo ng GRP at CPP-NDF
Facebook Comments