Patuloy pa ring pinaplantsa ng Pilipinas ang kasunduan nito sa Russia para sa pagsasagawa ng clinical trials ng COVID-19 vaccine na Sputnik V.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, inaayos pa ang confidentiality disclosure agreement.
Kailangan ang legal document na ito para malaman nila ang nilalaman ng Phase 1 at 2 clinical trials ng Sputnik V.
Ang resulta ng dalawang trials ay masusing pag-aaralan ng vaccine experts ng Pilipinas bago simulan ang Phase 3.
Sa taya ng Department of Science and Technology (DOST), posibleng maging available para sa commercial use ang Russian vaccine sa Pilipinas pagsapit ng Abril 2021 at posibleng aprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) sa Enero.
Facebook Comments