Opisyal nang nilagdaan ang isang joint venture agreement at Tollway Concession Agreement sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan at ng San Miguel Holdings Corporation sa konstruksyon ng 42.76-kilometer expressway project sa lalawigan ngayong araw ika-19 ng Oktubre sa Sison Auditorium bayan ng Lingayen.
Pirmado nina Pangasinan Governor Ramon Guico III kasama ang Presidente at CEO ng kumpanyang San Miguel Corporation na si Ramon Ang ang Memorandum of Agreement sa itatayong Pangasinan Link Expressway na nagkakahalaga ng P34-Bilyon na halaga ng imprastraktura sa bahagi ng Bayan ng Binalonan hanggang bayan ng Lingayen kung saan ito ang unang phase ng proyekto at ikalawang phase naman proyekto ay ang Lingayen-Alaminos City.
Sakaling matapos ang konstruksyon nito ay mababawasan na ang travel time o oras ng pagbiyahe sa Binalonan hanggang Lingayen kung sa dating isang oras at kwarenta minutos na biyahe (1.40minutes) ay magiging 20 hanggang 30 minuto na lamang.
Layunin ng proyektong ito ay upang masolusyunan ang matinding problema sa trapiko, magbukas ng maraming oportunidad gaya ng trabaho para sa mga Pangasinense, at upang mapalakas ang turismo sa lalawigan at marami pang iba.
Samantala, ang proyektong PLEX ay isa sa pangunahing proyekto ng kasalukuyang administrasyon na isang pangako at upang gawin ang Probinsya bilang isang premier province sa bansa. |ifmnews
Facebook Comments