ONE-STOP SHOP PARA SA PAGPAPAREHISTRO NG BARIL, BINUKSAN PARA SA MGA GUN OWNERS SA ASINGAN

Binuksan ang isang one stop shop sa bayan ng Asingan para sa mga gun owners para samantalahin ang pagkakataon na makapag parehistro ng kanilang mga baril.
Hinikayat ng mga awtoridad ang mga gun owners sa bayan na magparehistro na ng kanilang mga baril sa License to Own and Possess Firearms (LTOPF) Caravan simula ngayong araw, October 19 hanggang October 20.
Nasa dalawandaang slots lamang ang ilalaan para sa mga gun owners para makapag-renew o di kaya ay magkaroon ng lisensya sa paggamit at pagmamay-ari ng baril.

Sa ngayon, mahigpit ang pagpapatupad ng gun ban sa bayan lalo at panahon na ng kampanya kasabay ng mahigpit na security check din sa mga checkpoint.
Ayon sa Hepe ng PNP Asingan, Police Major Katelyn May Awingan, surprise checkpoint ang kanilang ginagawa dahil kung nasa isang lugar lang daw sila ay may mga taong makakalusot at maaaring gumawa ng iligal na gawain. |ifmnews
Facebook Comments