CAUAYAN CITY – Lumagda ng kasunduan ang Angadanan Forest Region Agrarian Reform Cooperative (AFRARCO) at Land Bank of the Philippines (LBP).
Isinagawa ito sa ilalim ng programang Accessible Loans for Empowered, Resilient, and Transformed Agrarian Reform Beneficiary Organizations o ALERT ARBOs ng ahensya.
Ang programa ay nakapokus sa pagpapabuti ng produksyon sa agrikultura, at pagpalakas ng kapasidad ng mga organisasyon na makatutulong sa kabuhayan ng mga miyembro ng ARBOs.
Sa pamamagitan ng kasunduan, magkakaroon ng access ang Angadanan Forest Region Agrarian Reform Cooperative sa mga pondo para sa mga proyektong pang-agrikultura at palaisdaan.
Facebook Comments