Kasunduan sa pagitan ng gobyerno at ng CPP-NDF, planong mabuo bago ang 2019 midterm elections

Manila, Philippines – Plano ng gobyerno at ng Communist Party of the Philippines – National Democratic Front (CPP-NDF) na bumuo ng kasunduan bago ang 2019 midterm elections.

Ayon kay government peace panel member Hernani Braganza, umuusad ang peacetalks sa kabila ng mga problema.

Tuluy-tuloy aniya ang back channel talks sa level ng mga negosyador.


Nabatid na huling nagkausap noong linggo ng gabi sina pagitan nina labor Secretary Silvestre Bello III at Fidel Agcaoili ng NDF.

Kasabay nito, hinimok ni Braganza ang spoilers ng peacetalks na iwasan ang taguring terorista sa Communist Party of the Philippines, National People’s Army (CPP-NPA) dahil hindi ito nakakatulong para maayos ang sitwasyon.

Facebook Comments