Kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait kailangang pagaralan matapos ang isa nanamang insidente ng pagpatay sa isang OFW

Naniniwala ang Palasyo ng Malacanang na kailangang pagaralang muli ang memorandum of understanding sa pagitan ng Pilipinas at ng Kuwait matapos ang isa nanamang insidente ng pagpatay sa isang Overseas Filipino Worker.

 

Matatandaan na matapos ang kaso ng OFW na natagpuan sa freezer sa Kuwait ay nagalit si Pangulong Duterte na nauwi sa pagkakaroon ng kasunduan o mou para maprotektahan ang karapatan ng mga OFW sa Kuwait, ito ay matapos ipagbawal ng pangulo ang pagpapadala ng mga pilipino sa nasabing bansa.

 

Ayon kay Chief Presidential Legal cOunsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, batay kay Labor Secretary Silvestre Bello III ay mayroong paglabag sa nasabing kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait ay kailangan talaga itong pagaralang muli.


 

Sinabi din naman ni Panelo na alam na ng pangulo ang nasabing issue at sa ngayon ay wala pa namang rekomendasyon na ipagpawal muli ang pagpapadala ng mga OFW sa nasabing bansa at wala din naman aniyang impormasyon kung kinakailangan bang irecall ang ambassador ng Pilipinas sa Kuwait.

 

Inaantabayanan narin naman aniya ang report ng ulat ni Secretary Bello sa nasabing insidente at tiwala naman aniya si Pangulong Duterte na ginagawa ni Bello ang kanyang trabaho.

Facebook Comments