Kasunduan sa pagitan ng Pilipinas, Moderna at Pfizer, malapit nang mapirmahan; League of Provinces of the Philippines, nanawagang iprayoridad ang mga low-ranking LGU sa COVID-19 immunization plan

Inihayag ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na malapit nang malagdaan ang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at ng COVID-19 vaccine manufacturer na Moderna, at Pfizer.

Ayon kay Romualdez, mayroon nang napag-usapan sina Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. hinggil sa pagpirma ng kontrata sa pagitan ng dalawang pharmaceutical companies na malalaman sa loob ng dalawang linggo, simula ngayon.

Una nang sinabi ni Galvez na makakukuha ng kasunduan sa mga vaccine manufacturer ang bansa ngayong Enero.


Nakatakda namang ilabas ang resulta ng aplikasyon ng Emergency Use Authorization ng Pfizer sa Enero 14.

Samantala, nanawagan naman ang League of Provinces of the Philippines sa national government na iprayoridad ang mga low-ranking local governments sa kanilang COVID-19 immunization plan.

Giit ni League of Provinces National President at Marinduque Gov. Presbitero Velasco Jr, kinakailangan ng tulong ng mga LGU na may maliit na Internal Revenue Allotment (IRA) dahil wala silang kakayahan na makabili ng bakuna kontra COVID-19.

Facebook Comments