Kasunduan sa pagitan ng UP at Defense Department na naglilimita sa sundalo at pulis sa loob ng pamantasan, matagal nang obsolete ayon sa DND

Umapela ang Department of National Defense (DND) sa komunidad ng University of the Philippines (UP) na magkaisa para sagipin ang mga kabataan mula sa extremism at marahas na armadong pakikibaka.

Ito ay makaraang tuluyan nang kanselahin ng DND ang kasunduan nito sa UP na naglilimita sa mga sundalo’t pulis na magsagawa ng operasyon sa loob ng UP.

Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, ang nilagdaang kasunduan sa pagitan ng kagawaran at ng UP ay bilang paggalang sa kahilingan nito noong 1989 tatlong taon mula nang alisin ang batas militar kaya’t maituturing na itong obsolete.


Pero aniya, sa paglipas ng panahon, tila naging breeding ground na ng komunismo ang tinuring na Premier State University ng bansa at naging kanlungan na ito ng mga kalaban ng estado.

Dahil dito, binigyang-diin ni Secretary Lorenzana na hindi kailanman nila hahayaan na mabalewala ang kinabukasan ng mga kabataan para lang mapunta sa maling paniniwala at paglabag sa batas na nagkukubli sa prinsipyo ng malayang pamamahayag.

Facebook Comments