Kasunduan sa Pagsasanay ng Agricultural and Processing Technologies, Nilagdaan ng NIA-MARIIS, CIAM at FDN Farm

Cauayan City, Isabela-Lumagda sa Memorandum of Agreement si NIA-MARIIS Acting Department Manager Engr. Josue A. Sabio, Confederation of Irrigators Association MARIIS (CIAM) President Nemesio F. Yadao at Mr. Francis D. Natura sa isang simpleng seremonya na idinaos sa Aurora, Isabela ngayong araw, June 29, 2021.

Ito ay bahagi ng mga detalye ng responsibilidad ng bawat partido sa practical training para sa kaalaman at pag-unlad ng kasanayan ng mga magsasaka at Irrigators Association.

Sa paglagda sa MOA na ito, ang mga magsasaka at Irrigators Association ay mabibigyan ng pagsasanay sa mga naaangkop na teknolohiyang pang-agrikultura at mga teknolohiya sa pagproseso para sa mga agri-product / by-product. Para sa praktikal na pagsasanay na ito, nangangailangan ito ng isang Farm Field School. Ang FDN Farm Integrated ay pinili upang maging venue para sa nasabing pagsasanay. Ito ay isang accredited farm field school / learning site na matatagpuan sa Brgy. Ballesteros, Aurora, Isabela na pagmamay-ari at pinamamahalaan ni G. Francis D. Nitura.


Ang 17-week training na nagsisimula sa huling linggo ng Hunyo ay tumutukoy sa Production of High-Quality Inbred Rice, Seeds Certification, Farm Mekanisasyon at Pagnenegosyo.

Ito ay upang hikayatin ang mga kabataan ng IA na kasapi ng pamilya na lumahok sa kalahating araw bawat linggo (tuwing Martes) na praktikal na pagsasanay, ang mga dumalo na kilala bilang mga iskolar, ay bibigyan ng P 500.00 na allowance, P 500.00 na halaga ng mga personal protective equipment (PPE) na binubuo ng face mask, vitamins at alcohol/sanitizer, at food at travel allowance.

Matapos makumpleto ang mga kinakailangan ng pagsasanay, magbibigay ng sertipikasyon ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa mga scholars.

Ang paglagda sa MOA ay nasaksihan ni NIA-MARIIS EOD Manager Engr. Jaime M. Lara, NIA-MARIIS Division III Acting Division Manager Engr. Isagani R. Concepcion, G. Alejandrino Pascua at Ms. Lynda S. Velasco.

Facebook Comments