Kasunod ng pag-angkin ng Kadamay sa pabahay sa Pandi, Bulacan – Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, pinasok na rin ang Hacienda Luisita

Manila, Philippines – Maging ang Hacienda Luisita ay pinasok na rin ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa Tarlac upang angkinin ang nalalabi sa anim na libong ektaryang lupain.

Isinagawa ng mga magsasaka ang “Occupy Luisita” kasabay ng ikalimang anibersaryo ng desisyon ng Korte Suprema na nag-uutos sa Department of Agrarian Reform na ibigay na sa mga magsasaka ang nasa 4,500 ektaryang lupain na sakop ng Hacienda Luisita na pag-aari ng mga Cojuangco.

Kahit may mga pulis at guwardiya – nagawang masira ng mga miyembro ng KMP ang konkretong pader at mapasok ang Hacienda Luisita na sakop ng Barangay Balete.


Dahil sa insidente, naging matindi ang tensyon sa lugar pero wala namang naiulat na karahasan.
DZXL558

Facebook Comments