Sa pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan, hinihikayat ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Lieutenant General Cirilito Sobejana ang mga Pilipino na tularan ang katapangan ng mga beteranong sundalo na ipinaglaban ang bansa para sa kalayaan at kapayaan.
Ayon kay Sobejana, ngayong patuloy na nakararanas ng pandemya ang buong mundo dapat daw na humugot ng lakas ang mga Pilipino sa mga beteranong Pilipino para malampasan ang mga pagsubok ng buhay ngayong pandemya.
Hinihikayat naman ni Sobejana ang mga sundalo na patuloy na isapuso at isaisip ang kanilang mga sinumpaan sa bayan na ipagtanggol ito.
Bilang pag-aala rin sa mga kapatangan at sakripisyo ng mga defender ng Bataan at Corregidor, kinilala rin ng AFP ang mga modern day heroes frontliners na ngayon ay walang kapagurang nagtatatrabaho para mabawasan ang epekto ng global pandemic.
Sumasaludo ang hanay ng mga sundalo sa mga frontline personnel na ito at umaasang sa lalong madaling panahon ay makakabalik sa normal ang buhay ng mga Pilipino.