Katapatan ni contact tracing czar Mayor Benjamin Magalong, pinuri ni VP Robredo

Pinuri ni Vice President Leni Robredo ang katapan ni contact tracing czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong hinggil sa contact tracing effort ng pamahalaan.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN, tinukoy ni Robredo ang naging pahayag ni Magalong sa isang panayam na nagkaroon lang ng bahagyang improvement sa contact tracing pagkatapos ng dalawang linggong Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila.

Mula sa dating tatlo habang apat na contacts kada isang COVID-19 patient, umakyat ito sa lima.


Gayunman, napakalayo pa rin aniya nito sa target na makatukoy ng 37 contacts kada isang pasyente.

Binanggit din ni aniya ni Magalong ang naging sagabal sa pagsasagawa ng contact tracing kabilang ang kawalan ng budget ng mga lokal na pamahalaan para rito.

Napaka-honest. Sinabi niya hindi natin na-achieve, eto yung problema. Sana ganyan lahat para alam natin yung tunay na kalagayan, para nahaharap. Minsan kasi ang frustrating, ang iba walang pagtanggap ng pagkukulang. Pag walang pagtanggap ng pagkukulang hindi talaga nag-iimprove. Pag ganito kahit may pagkukulang, parang kampante ako na yung nagle-lead alam niya yung sinasabi niya,” ani Robredo.

Facebook Comments