Katarata, pangunahing dahilan ng pagkakabulag sa buong mundo

Manila, Philippines – Ikinakampanya ng Department of Health (DOH) ngayong *sight saving month* ang pag-iingat laban sa pagkabulag.

Batay sa pag-aaral ng World Health Organization (WHO), katarata ang pinakapangunahing dahilan ng pagkabulag ng isang tao.

Sa datos ng WHO, nasa 39 na milyong tao ang nabubulag habang higit 240 na milyon naman ang lumalabo ang paningin.


Sa Pilipinas, aabot sa higit 300,000 tao ang nabubulag.

Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial – taon-taon ay lalo pang tumataas ang bilang ng nagkakaroon ng problema sa mga mata.

Dahil dito, palalakasin pa ng ahensya angt awareness sa pag-aalaga ng mga mata gayundin ang mga paraan para maiwasan ang pagkabulag.

Nais ng doh na magkaroon ng taunang check-up ang mga pilipino para mas mapangalaga pa ang kanilang mga mata.

Facebook Comments