Katarungan Desk, inilunsad na sa Manila City Hall

Pormal nang i-nilunsad ngayong araw ang tinatawag na “Katarungan Desk” na isa sa mga program ng gobyerno laban sa kurapsyon.

Pinangunahan ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) commissioner greco belgica ang aktibidad, kasama si Manila Mayor Isko Moreno mismong sa bulwagan ng Manila City Hall.

Ayon kay Belgica, na ang Katarungan Desk ay ipapakalat sa iba’t ibang lugar, kung saan maglalagay ng drop boxes at naisipan nilang ilagay ito sa city hall ng maynila para mayroon one stop shop sa mga nais magreklamo hinggil sa kapalpakan ng gobyerno.


Kabilang na rito ang mga tanggapan ng gobyerno, mga barangay hall ng mga lokal na pamahalaan at mga istasyon ng Metro Rail Transit o MRT-3, Light Rail Transit o LRT Line 1 at 2, at Philippine National Railways (PNR).

Sinabi pa ni Belgica na layon din ng Katarungan Desk na mahimok ang publiko na maiparating sa PACC o sa kaukulangan ahensya ng gobyerno ang kanilang mga reklamo o nalalamang katiwalian.

Pagtitiyak ni Belgica na anumang sumbong o impormasyon na kanilang matatanggap ay “confidential” at isasailalim sa beripikasyon at imbestigasyon kung saan Ang mabubuong rekumendasyon ay isu-sumite sa Office of the President para sa kaukulang aksyon.

Facebook Comments