Katawan ng Isang Estudyante, Patuloy na Hinahanap Matapos Malunod sa Isang Beach Resort sa Gonzaga, Cagayan!

66

Gonzaga, Cagayan- Patuloy parin ang isinasagawang retrieval operation ng mga otoridad matapos umanong malunod ang isang estudyante sa isang beach resort sa brgy. Calayan, Gonzaga, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Jamaica Ursua, 18 anyos, walang asawa, grade 12, at residente naman ng Brgy. San Pedro, Lasam Cagayan.

Batay sa report ay nagtungo umano ang biktima kasama ang kanyang mga kamag-anak sa sa naturang resort upang magkaroon ng bonding.

Kaugnay nito, ay nagpasya naman ang biktima kasama ang kanyang dalawang kamag-anak na pumunta sa dagat upang mag swimming at naging sanhi upang mag-alala ang mga ito ng tangayin ng agos ng tubig.

Samantala, laking gulat naman ng mga kasama ng biktima ng hindi na nila ito makita kaya’t agad namang humingi ng tulong sa mga otoridad upang mahanap ang katawan nito.

Agad din namang nagsagawa ng retrieval operation ang panig ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council sa naturang bayan katuwang ang iba pang rescue team ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa nahahanap ang katawan ng naturang biktima.

Facebook Comments