Mga Abandonadong Pinutol na Kahoy sa Benito Soliven, Isabela, Narekober!

78

Benito Soliven, Isabela- Narekober ng kapulisan ang mga iniwang pinutol na kahoy sa Pinacanauan River, Brgy. Yeban Sur, Benito Soliven, Isabela kahapon Oktubre 3, 2018.

Sa impormasyong nakalap ng RMN Cauayan ay ipinagbigay alam umano ng mga concerned citizen sa himpilan ng kapulisan na mayroong mga pinutol na kahoy sa naturang barangay.


Agad naman umanong pinuntahan ng mga pulis ang naturang report upang kumpirmahin at ito naman ay nagresulta sa pagkakarekober ng mga kahoy na tinatayang nasa mahigit kumulang limang daang talampakan ang sukat.

Samantala, dinala naman ang mga ito sa kustodiya ng kapulisan para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments