Witty reply tweets ni Paulo Avelino sa kaniyang fans, viral

Courtesy of philnews.ph

Ginulat ni Paulo Avelino ang kaniyang fans sa biglaang pagiging active nito sa twitter kagabi.

Sinagot niya ang mga tweet sa kaniya ng fans na may halong witty, pangungutya at good vibes na ikinatuwa naman ng karamihan.

May nagtanong kung anong paboritong numero nito sa electric fan at sinagot naman niyang “0 dahil pagod na pagod na ako sa mga paikot ikot.”


Ayon kay @jmtrxtzn,” Grabe ka @mepauloavelino ba’t puro babae lang nirereply-an mo?” sinagot nitong “Mag effort ka kasi maging witty.”

Sinabi naman ni @aisraposas, “Nasa Manila ako ng Saturday meet tayo?” at sumagot naman siyang “Sakto nasa Lanao ako sa Sat. Enjoy nalang.”

Hindi naman binigo ni Paulo ang mga fans na nag-tweet sa kaniya at game na sakyan ang biro ng mga ito.

Nag-trending si Paulo Avelino kagabi sa kaniyang flood tweets sa fans.

Sa kasalukuyan, kasama siya sa The General’s Daughter bilang Franco Segismundo ng ABS-CBN Primetime Bida. Kilala naman siya bilang Goyo o Ang batang heneral.

Facebook Comments