Kathryn Bernardo at Alden Richards, no network war sa TV guestings

247
Screenshot via GMA Unang Hirit

Trending sa twitter ang #KathAldenOnUH nang mag-guest sa GMA-7 morning talk show na Unang Hirit sina Kathryn Bernardo at Alden Richards upang i-promote ang kanilang pelikula na Hello, Love, Goodbye.

Sa UH, binalikan ang unang acting ni Kathryn sa GMA-7 kung saan gumanap siya na batang Marian Rivera sa Endless Love noong 2010.


Ibinahaging muli ni Alden ang kaniyang weight-loss journey bago gawin ang pelikula.

Una nang bumisita si Alden sa ABS-CBN kung saan inilibot siya ni Kathryn sa network. Nag-guest ang dalawa sa morning talk show ng Channel 2 na Umagang Kay Ganda.

Ang Hello, Love, Goodbye ay isang pelikula tungkol sa dalawang Pinoy na overseas Filipino workers na nainlove sa isa’t isa. Ginagampanan ni Kathryn ang karakater na ‘Joy’ at si Alden na ‘Ethan’ na isa namang bartender. Ipapalabas ang Hello, Love, Goodbye sa mga sinehan sa Hulyo 31.

Panoorin ang photobooth nina Kathryn at Alden:




Facebook Comments