Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, may balak na nga bang mag-baby?

38

Inamin ng aktres na si Kathryn Bernardo na hindi muna siya magkakaroon ng anak sakaling ikasal na sila ng kaniyang boyfriend na si Daniel Padilla.

Sa unang episode ng bagong segment na “TGIS” ni Kath sa kanyang YouTube channel tampok ang host na si Robi Domingo, sinabi ng aktres na nais muna niyang lasapin nila ni Daniel ang buhay mag-asawa.


Habang una rin nilang binabalak ni Daniel ang pagkakaroon ng kanilang sariling tahanan.

Sa ngayon, siyam na taon nang magkasintahan sina Kathryn at Daniel.

Matatandaan na noong nakaraang taon, inamin ni Daniel na nais niyang pakasalan si Kathryn at kung posible ay bumuo ng pamilya kasama ang aktres bago sila tumungtong ng edad na 30.

Facebook Comments