Philippine Air Force, may karagdagang dalawang attack helicopter mula Turkey

228

Darating na sa bansa sa Setyembre ang unang dalawa sa anim na T-129 attack helicopters ng Philippine Air Force.

Ayon kay Department of National Defense (DND) Spokesperson Arsenio Andolong, ang anim na chopper ay binili ng gobyerno mula sa Turkish Aerospace, sa halagang 269.3 milyong dolyar.


Nabili ito ng Pilipinas sa pamamagitan ng government to government procurement contract.

Sa Pebrero ng susunod na taon ang susunod na delivery ng dalawa pang unit at ang panghuling dalawang unit ay inaasahan naman sa February 2023.

Facebook Comments