Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, tampok sa New York Times Square Billboard!

Tampok ang celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla isa sa pinakasikat na digital billboard sa mundo ang New York Times Square Billboard sa United States of America.

Sa Instagram post ng ina ni Daniel si Karla Estrada, hindi nito maitago ang kilig at pagiging proud sa anak kung saan sinabi nito na sana’y nasa New York siya ngayon para personal itong matunghayan.

Bukod sa KathNiel, kasama rin sa na-feature ang vlogger na si Mimiyuuuh at Pinoy-pop group na SB19 na kasama nila sa softdrink brand commercial.


Matatandaan kamakailan lamang nang i-feature ang nasabing digital billboard ang singer actress na sina Julie Anne San Jose at Nadine Lustre.

Facebook Comments