Bilang ng Pinoy household workers sa Hong Kong, bahagyang bumaba dahil sa pandemya

Kinumpirma ni Labor Attache’ Melchor Dizon ng POLO-Hong Kong na 204-thousand na lamang ang bilang ng Filipino household workers sa Hong Kong.

Ito ay mula sa mahigit 220 thousand mula nang magkaroon ng pandemya.

Ayon kay Dizon, marami kasing Pinoy domestic workers ang umuwi ng Pilipinas dahil sa
pandemic.


Kinumpirma naman ni Dizon na wala naman silang natatanggap ngayon na mga kaso ng pagmamaltrato sa Pinoy workers sa Hong Kong.

Malaki rin aniya kasing tulong ang aktibong pagmo-monitor ng Filipino community sa sitwasyon ng mga manggagawang Pinoy doon.

Bukod dito, mahigpit na pinatutupad ang labor laws sa Hong Kong.

Facebook Comments