Kathryn Bernardo, nanumpa na hindi iiwan ang ABS-CBN!

Nanumpa ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo ng kanyang undying love and support para sa kanyang network matapos na ibasura ng mga mambabatas ang franchise renewal ng ABS-CBN.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Kathryn ang kanyang picture kasama ang boyfriend na si Daniel Padilla na nasa labas ng ABS-CBN compound.

Kasabay nito ang kanyang mensahe sa kanyang network na ‘hindi iiwan’ at ‘maghihintay hanggang sa makabangon ito muli’.


Idineklara rin ng aktres ang kanyang pagmamahal sa kanyang home network na naghubog ng kanyang career.

Say nito, kahit ang daming pagsubok na pinagdaan ay naging matatag ito para sa iba, kaya sila naman ang magbibigay ngayon ng liwanag para sa mga panahong kailangan sila nito.

Bukod kay Kathryn, una nang nagbigay ng suporta para sa ABS-CBN ang maraming artista kabilang na rito ang mga Kapamilya stars na sina Angel Locsin, Vice Ganda, Kim Chiu at marami pang iba.m

Facebook Comments