Kathryn Bernardo, nilinaw ang umano’y proposal ni Daniel Padilla

Nilinaw ni Kathryn Bernardo na hindi totoo na nag-propose na sa kaniya ang nobyong si Daniel Padilla noong Christmas vacation nila sa Japan.

Kumalat kasi ang balita matapos mag-post ang ina ni Kathryn sa Instagram na “may nag-propose.”

Pero say ni Kath, hindi sila ni Daniel ang tinutukoy ng kaniyang mommy.


Pag-amin niya, bukas siya sa ideya ng proposal pero kailangan pa nilang magtrabaho bago lumagay sa tahimik.

August 2018 nang ibunyag ng dalawa na limang taon na silang magkasintahan.

Facebook Comments