Manila, Philippines – Kinuwestiyon ng Office of the Solicitor General ang kakulangan sa ebidensya kaugnay ng hirit na writ of amparo ng mga grupong dumulog sa Korte Suprema kaugnay ng giyera kontra iligal na droga.
Ayon kay Solicitor General Jose Calida, walang naipakitang katibayan ang petitioners na may banta nga sa kanilang buhay kaugnay ng war on drugs ng PNP.
Hindi rin aniya nalinaw sa petisyon kung sa anong paraan nakakaranas ng panggigipit mula sa kamay ng mga pulis ang kaanak ng mga biktima ng Oplan Tokhang sa San Andres Bukid, Manila.
Una nang nagbabala ang Office of the Solicitor General na posibleng mauwi sa constitutional crisis ang nasabing mga petisyon.
Nakakabahala rin aniya ito lalo na’t ang karamihang mga biktima ng mga krimen na kinasasangkutan ng drug users ay mga kabataan.