Katiting na alokasyon sa pagkain at gamot ng mga preso, pinadadagdagan ng isang kongresista

Manila, Philippines – Hiniling ni ACT Teachers Rep. France Castro na dagdagan naman ang kakarampot na budget sa pagkain at gamot para sa mga preso.

Sa plenary debate, hindi naitago ni Castro ang sobrang pagkadismaya sa katiting na pondong inilalaan para sa mga preso.

Kinukundena ni Castro ang 60 pesos na food allowance ng bawat preso sa kada-araw at sampung pisong allowance para sa gamot ng bawat preso araw-araw.


Iginiit ni Castro na hindi ito makatao dahil hindi sapat ang sustansiya sa pagkaing ibinibigay sa mga preso.

Dahil dito, mistula aniyang pinapatay ng estado ang mga bilanggo.

Nagpaliwanag naman ang budget sponsor na si Oriental Mindoro Rep. Salvador Leachon na ang halagang ito ay nakabase naman sa standard o pamantayan na itinakda ng Department of Health.

Facebook Comments