SSS, isa sa pinagkakatiwalaang ahensya ng pamahalaan – batay sa bagong pag-aaral

Manila, Philippines – Nakakuha ng 94% na trust rating ang Social Security System (SSS) sa ikalimang edisyon ng Philippine Trust Index (PTI) na survey ng isang pribadong communications agency.

Isinagawa ito noong Marso at Abril ng kasalukuyang taon at may sampling size na 1,200 respondents na nanggaling sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Bukod sa mataas na puntos sa trust rating, nabatid rin na ang ahensya ay pinakamabilis rin sa pagtugon sa mga kaso na inilapit sa 24/7 Citizen Hotline 88-88.


Batay sa rekord ng Civil Service Commission (CSC) ang SSS ang may pinakamabilis na oras o sa loob lamang ng apat na araw ay nalutas ang mga itinawag na reklamo noong unang kwarter ng taon.

Pumapangalawa ang Social Security System sa Philhealth na nakakuha ng 95% na trust rating, kasama rin sa top 5 ang DepEd (93%), TESDA (91%) at DSWD (88%).

Facebook Comments