Katiwalian sa LTO Cauayan Extension Office, Handang Paimbestigahan!

Cauayan City, Isabela – Handang paiimbestigahan ng pamunuan ng LTO Cauayan Extension Office, ang reklamo ng isang dalaga ng Angadanan Isabela na nagpalisenya kamakailan ngunit magkaiba ang halaga ng ibinayad nito kumpara sa resibo ng LTO Cauayan.

Unang inireklamo sa RMN Cauayan ang nagpalisensya sa LTO Cauayan na umano’y umabot sa Php2,500.00 ang kanyang ibinayad sa nagpakilalang tauhan ng LTO Cauayan, samantalang ang nasa resibo umano ay anim na daang piso lamang.

Ayon naman kay ginoong Deo Salud, ang pinuno ng LTO Cauayan, na kanyang paparusahan ang sinumang gumagawa ng hindi tama sa kanyang mga tauhan kung saan ay handa umano niyang tanggalin sa pwesto ang sinumang mapapatunayang kasabwat ng kanyang mga tauhan ang mga fixer.


Bagamat naniniwala si ginoong Salud na ang transaksyon ay dumaan sa fixer kaya’t inatasan na niya umano ang isa sa kanyang tauhan upang imbestigahan ang nasabing usapin.

Nanawagan din si ginoong Salud na sa mga lihitimong tauhan ng LTO lamang makipagtransaksyon upang maiwasan na maloko ng mga fixer.

Ito ay sa kabila naman na may mga nakalagay sa labas ng LTO Cauayan na iwasan ang makipagtransaksyon sa mga fixer.

Facebook Comments