Digital booking system, inilunsad ng PNP

Inilunsad ng Philippine National Police (PNP) ang digital booking system o e-system.

Ang e-booking system ay isang programa na bunga ng pagsusumikap ng Directorate for Investigation and Detective Management kung saan sa pamamagitan nito ay mas magiging mabilis na ang booking process sa mga maarestong suspek.

Mas magiging episyante kasi na ang pangongolekta at cross-matching ng fingerprints sa pamamagitan ng Automated Fingerprints Identification System.


Dati kasi ay mano-mano ng pangongolekta ng fingerprints.

Umaasa naman ang PNP na dahil sa e-booking ay tataas lalo ang crime solution efficiency ng PNP.

Facebook Comments